Napapansin nyo ba na malimit pag magbabayad ka sa grocery stores, sa malls, sa fastfoods, sa pharmacies, kahit sa jeep or tricycle, parati na lang, "Teh, may 50 cents ka na lang?"
Kung sa tricyle or jeep mapapatawad ko pa, pero yung sa mga malls atbp, aba nakakainis na. Di ba dapat nag re-ready sila ng pansukli esp. sa malls? At marami na ding beses na hindi ako nasuklian ng loose coins.
"Teh, kulang ng fifty cents (or minsan .75) okey lang?" Huh!?! Ano gagawin ko mag-iintay ng ten years para makaipon sya ng pansukli? Hay, so papayag na lang ako kesa matengga sa cashier ng bonggang-bongga. Pero naiisip ko...kwentahin nga natin. Assuming me 50 customers na di masuklian ng .50, at the end of the day may P25 na dagdag tubo. At sa loob ng isang buwan may P775.00 na sila. Aba naman hindi na ito masaya!!!
No comments:
Post a Comment