Admu student's essay on Filipino language
Napapanahon ang essay na ito sa pagdiriwang natin ng Buwan ng Wika. Sinasalamin lamang nito kung paano tinuturing ng mga nasa alta sosyedad ang ating wika. Palibhasa nagmula sya sa pamilyang mayaman at nakapag-aral sa mga ekslusibong paaralan at unibersidad ay tinitingnan nya na ang wikang Filipino ay isang inferior na wika kumpara sa English.
Hindi ba mas nakakahiya na Pinoy ka pero hirap ka magsalita at hindi ka magkapagsulat at makapagbasa sa katutubo mong wika. Bagamat mas mabuti na mayroon tayong ikalawang lenggwahe, yun ay ang English, hindi dapat ipagmalaki na Pilipino ka pero ang "mother tongue" mo ay English. At sinong may sabi sa 'yo na kailangan mo lang ang wikang Filipino para maintindihan ka ng kasambahay, driver at tindera? Sa pagkakasulat nya iniaangat nya ang kanyang sarili bilang hiwalay at superior sa mga kababayan nating ito.
Higit sa lahat hindi usapin ng pratikalidad ang paggamit ng wika ng sarili mong bansa! Sa totoo lang nakakaawa ka Gng. James Soriano dahil hindi mo alam ang maging isang tunay na Pilipino!
No comments:
Post a Comment