Thursday, January 17, 2013

TV, radyo at mga bagong balita

Nakakaloka namang manood ng TV ngayon. Kalimitan sa mga plot ay kabitan at palitan ng mga asawa o boyfriend/girlfiend. Kung noong mga nakaraan ay amnesia at palitan ng mga anak ang uso, ito naman ngayon.

Manood at makinig ka ng balita wagas na mga barilan, patayan at banggaan sa kalsada ang meron. Dagdag pa ang bangayan ng mga senador sa may favoritism na X'mas gift. Mabuti pa noong last months ng 2012 at least may laman ang mga balita. Debate sa RH bill, sa sin tax law, sa cyber-crime law at sa plagiarism :-). Aminin nyo, kahit papano may natutunan tayo sa mga debate at trending topics na ito.

Pero dahil sa eto ang balita ngayon, dito tayo!

http://newsinfo.inquirer.net/342415/lontok-companion-killed-in-cold-blood-witnesses

Aba'y marami ng taga-Batangas ang nadali dahil sa barilang ito. Ang nakakaloka naka-witness lang ng re-enactment ang DOJ Secretary nagpahayag na ng conclusion sa radyo. Pano na ang result ng investigation? hahaha!!! Pasensya na po excited lang masyado ang Aling Leila.

Abangan na lang po natin ang mga susunod na kabanata.

Have a happy and cold weekend everyone!


No comments:

Post a Comment