Thursday, August 19, 2010

My Crowning Glory

People say, pag bored at aburido ang babae, alin man dito gagawin nya:

1. mainit ang ulo at parating galit
2. magpupunta sa mall para magpalamig
3. ...o magsho-shopping
4. kakain ng matatamis, especially ice cream
5. magpapagupit ng hair

Marami akong ganitong moments. Pero sa matinding kaburyungan, haircut ang katapat ko. Nasubukan ko ng magpa syete ng buhok (Princess Di era), magpahaba, magpakulot at ipa straight uli. Dito nadismaya ang Tatay ko. Pagkauwi ko galing parlor, sabi nya, "anak hindi bagay sa yo kamukha mo si Nora Aunor". So obviously, Vilmanian ang Tatay ko, hehe. Kaya naman, the next day, absent ako sa office para magpagupit. I know, marami ang Noranian, pero gosh, hindi naman ata fashion icon ang lola nyo para gayahin, kaya back to short hair ang drama ko.

Nung magbuntis ako, I realized, totoo nga ang sabi ng mga nanay na mainit ang magbuntis, kaya kahit magmukha akong boy na preggy, barbers ang cut ko.

Well, that was 10 years ago, dahil by the new millennium medium length na sya. Tapos syempre nauso ang rebonding, at di ko pinalampas. At sa sobrang kakikayan, after sometime, pinaulit ko pa. Ayun, na uber sa bonding ng chemical ang crowning glory ko add mo pa ang stress na inabot ko . Nagtampo ba, may feelings din pala sila, lols.

Anyway, nagbonggang-bonggang dryness at lugon to the highest level. Ang OA nyang magtampo...kaya recently, in a span of almost 2 weeks I managed to change my hair to long, to medium and ang finish product short. Hay, sa hinaba-haba ng kwento eto lang pala ang ending. :-)

No comments:

Post a Comment