I started this blog four months ago and it's only yesterday that I got a follower. Yipiii! Thanks to Topher a.k.a Chris :-) and I feel oblige to write something about him and some memories I had of him.
Well, bata pa yan nakita ko na ang leadership potential. Malimit syang pasimuno sa laro kaya malimit din sya ang napapagalitan, hahaha. Pag bakasyon uuwi sila sa probinsya at sya ang lider sa mock santacruzan. Magbibilot ng coupon bond kunwari kandila at kasunod ang iba pang mga bata mag pru-prusisyon sa compound. Kahit kainitan ng araw magpapalipad ng boka-boka (small kite) na kanin ang gamit na pandikit at maghuhukay ng lupa/buhangin para sa luto-lutuan, sya bilang tatay.
Sya din yung pakialamero sa gamit ng ate nya :)) and the brother that says "opo" to his eldest kuya. Minsan nadadalaw ako sa kanila sa Manila, sya yung malambing na pasali-salibuyboy sa kwentuhan naming mga dalaga at nakikitawa ng malakas.
Di ko nakita ang pag bibinata nya. They left for the States. Last time I saw him, two years ago, it was his wedding. Pasimuno pa rin, like his idea of newly wed's dance showdown...kakatuwa!
He's still that same boy full of surprises, humor at parating nakabungisngis.
No comments:
Post a Comment